-- Advertisements --

Magiging mahigpit na si US President Donald Trump sa paglaban sa mga drug cartels.

Ayon kay Trump na maari silang gumamit ng military forces para tuluyang malabanan ang tinagurian niiyang global terrorist organization.

Itinuturing kasi ng US ang Sinaloa Cartel sa Mexico at ilang mga drug cartel kasama ang Venezuelan criminal group na ern de Aragua bilang global terrorist organization.

Sinabi naman ni US Secretary of State Marco Rubio na kanilang ituturing ang mga ito bilang armadong teroristang grupo at hindi lamang simpleng drug organization.

Inalmahan din ni Mexican President Claudia Sheinbaum ang hakbang na ito ng US kung saan hindi dapat sila pumasok sa kanilang bansa.