-- Advertisements --

Tahasang kinuwestyon ni President Donald Trump kung bakit nakakuha ng mataas na approval rating si Dr. Anthony Fauci, top infectious disease expert ng Estados Unidos, kumpara sa kaniya.

May kaugnayan ito sa paraan kung papaano pinangasiwaan ng Trump administration ang mas lumalalang kaso ng coronavirus pandemic sa Amerika.

“It’s interesting. He’s got a very good approval rating, and I like that. It’s good,” saad ng American president sa isinagawang coronavirus briefing sa White House.

Ayon kay Trump, nasa ilalim naman daw ng kaniyang administrasyon si Fauci at kung tutuusin umano ay pwede raw siyang kumuha ng ibang eksperto bukod kay Fauci.

“Because, remember, he’s working for this administration. He’s working with us. We could’ve gotten other people. We could’ve gotten somebody else. It didn’t have to be Dr. Fauci. He’s working with our administration, and for the most part, we’ve done pretty much what he and others … recommended.”

Nagtataka rin ito dahil sinunod naman niya ang mga suhestyon na inilatag ni Fauci para labanan ang pagkalat ng deadly virus sa bansa ngunit hindi pa rin daw kuntento ang publiko rito.

Aniya, siya mismo ang nagbabalita sa publiko ng pagtaas sa produksyon ng face masks, gowns, ventilators at iba pang pangangailangan na hinihingi ng mga ospital at state leaders.

“A man works for us, with us, very closely, Dr. Fauci and Dr. [Deborah] Birx, also highly thought of, and yet they’re highly thought of, but nobody likes me. It can only be my personality. That’s all.”

Batay kasi sa inilabas na poll ng Quinnipiac University noong Hulyo 15 ay 67 percent ng mga respondents ang hindi umano nagtitiwala sa mga impormasyon na binabahagi ni Trump tungkol sa virus. Di hamak na bahagyang mas mataas ito sa 65 percent na nagsabing mas pinaniniwalaan nila ang mga impormasyon mula kay Fauci.