-- Advertisements --

Nakalikom na ng mahigit P10 million ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) para ipamahagi sa mga biktima ng magkakasunod na kalamidad na tumama sa bansa.

Ayon kay FFCCCII president Dr. Victor Lim, ang naturang pondo ay ipapamahagi sa mga biktima ng kalamidad sa Metro Manila atbpang probinsya na pangunahing apektado tulad ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, at La Union.

Magpapatuloy aniya ang paglikom ng pondo mula sa iba pang mga miyembro ng grupo upang ma-sustain ang pamamagagi ng supplies sa mga apektado ng kalamidad.

Inisyal nang ipinadala sa Manila ang 10,000 bags ng bigas habang nakahanay din ang ibapang supplies para sa apektadong lugar.

Ayon pa ky Lim, prayoridad na mahatiran ng tulong ang mga nasa evacuation center at isolated csommunities sa mga nabanggit na lugar.

Hanggang ngayong araw, umabot na sa mahigit 9 million katao ang natukoy na apektado sa mga magkakasunod na kalamidad. Ito ay katumbas ng mahigit 2.468 million pamilya mula sa mahigit 9,000 barangay.

Nananatiling nasa loob ng evacuation center ang kabuuang 61,836 katao na katumbas ng 16,596 pamilya.