Sa kabila ng pagbaba na sa alert level 2 na status ng bulkang Kanlaon, patuloy pa rin ang mga paghahanda at hindi pa rin nagpakampante ang Office of Civil Defense.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Office of Civil Defense – Negros Island Region Director Donato Sermeno III, sinabi niyang ito’y para makapagrespondi agad ang ahensya ng gobyerno sa anumang kahaharapin sakaling bumalik ang pag-aalburuto ng bulkan.
Sinabi pa ni Sermeno na nagsimula ng magdecamp kahapon, Hulyo 31, ang nasa mahigit 700 pamilya sa Canlaon City.
Ikinatuwa pa umano ng mga itong makabalik na sa kanilang mga tahanan ngunit may iilan ding gusto munang magpaiwan sa evacuation center dahil sa di pa umano maayos na babalikan lalo pat may mga bahay ring butas-butas dahil sa asupre.
Kaugnay nito, tinitingnan umano nila kung anong pweding interventions o ibigay na assistance.
Aniya, mahigpit na pinagbabawalang makabalik sa kanilang mga tahanan ang mga nakatira sa loob ng 4km permanent danger zone ng naturang lungsod na tinatayang umabot sa 45 pamilya 0 163 na indibidwal.
Dagdag pa, welcome development din umano ito sa lokal na pamahalaan dahil makapagpahinga na ang kanilang mga resources.
Kakaunti nalang ang maiwan kaya mas manageable pa kung ilagay nalang sa evacuation center mas malapit sa kanilang barangay.
Patuloy naman aniya ang mga national agencies sa pagbibigay ng mga ayuda sa mga IDPs at sapat din naman ang suplay ng pagkain ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Mensahe pa nito sa publiko lalo na sa naapektuhan ng pagputok na patuloy na makipag ugnayan sa mga lokal na opisyal upang maging organisado kung sakali mang bumalik ang pag-aalburuto ng bulkan para mabigyang-pansin dahil hindi pa tapos ang hinaharap na hazards.