Ipinagtanggol ni U.S. President Donald Trump ang desisyon ng kanyang administrasyon na harangin ang mga foreign student sa Harvard University, matapos pansamantalang suspindihin ng korte ang nasabing aksyon.
Sa kanyang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na bakit hindi aniya sinasabi ng Harvard na halos 31% ng kanilang mga estudyante ay pawang mga dayuhan, at hindi naman nakaktulong sa bansa.
‘Why isn’t Harvard saying that almost 31% of their students are from FOREIGN LANDS, and yet those countries, some not at all friendly to the United States, pay NOTHING toward their student’s education, nor do they ever intend to,’ pahayag ni Trump.
Dagdag pa ni Trump na dapat lang umanong malaman ng kanyang pamahalaan kung sino ang mga dayuhang estudyanteng mag-aaral sa bansa, lalo’t bilyun-bilyong dolyar ang binibigay aniya ng gobyerno sa Harvard.
‘We want to know who those foreign students are, a reasonable request since we give Harvard BILLIONS OF DOLLARS, but Harvard isn’t exactly forthcoming,’ ani Trump.
Matatandaan na sinuspinde ni Homeland Security Secretary Kristi Noem noong Huwebes ang karapatan ng Harvard na tumanggap ng mga foreign students, dahil sa umano’y hindi pagbibigay ng datos tungkol sa visa holders na dawit umano’y sa marahas na aktibidad.
Ngunit agad itong pinigil ng korte matapos magsampa ng kaso ang Harvard at sinabing labag sa batas, ‘di makaturiran, at unconstitutional ang aksyon ng gobyerno.
Mababatid na ang crackdown ay bahagi lamang ng mas malawak na kampanya ng administrasyon ni Trump laban sa mga unibersidad sa Amerika kabilang ang pag-freeze ng $2.2 billion na grant at $60 million na kontrata sa Harvard.
Pagpapa-deport sa mga dayuhang estudyanteng dawit sa pro-Gaza protests, dahil sa umano’y pagsuporta sa grupong Hamas at pagsisiyasat sa diversity programs na ayon sa gobyerno ay dapat balansehin.