-- Advertisements --
Binigyan ni US President Donald Trump ang Hamas militant group ng hanggang apat na araw para tumugon sa kaniyang Gaza ceasefire proposal.
Ang nasabing hakbang ay isang araw matapos ang personal na pakikipagpulong nito kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Sinabi ni Trump na maaring tumugon ang Hamas at kung hindi sila tutugon ay magkakaroon ng malungkot na katapusan.
Dagdag pa ng US President na wala na masyadong anumang negosasyon sa nasabing proposal.
Magugunitang nagustuhan ni Netanyahu ang proposal na ito ay kinabibilangan ng agarang ceasefire sa Gaza, pagpapalitan ng mga bihag sa pagitan ng Israel at Hamas ganun din ang pag-alis ng Israeli mula sa Gaza.