CAUAYAN CITY- Nakakulong na ang isang Truck Driver matapos mahuli sa aktong pagtutulak ng hinihinalang droga sa Sinsayon, Santiago City.

Ang suspek ay si John Paul Navales, 32 anyos, residente ng nasabing barangay.

-- Advertisement --

Sa isinagawang pinagsanib na operasyon ng mga kasapi ng City Drug Enforcement Unit , Santiago City Police Office, Rregional Drug Enforcement Unit, PDEA Region 2, Police Regional Office 2 at Presinto Dos ay nadakip ang suspek.

Huli sa aktong pagtutulak ng hinihinalang shabu ang suspek makaaraang bentahan ang isang pulis na poseur buyer katumbas ng limang libong pisong marked money .

Dinala si Navale sa Presinto Dos at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa kanya.

Napagalaman na kabilang ang suspek sa recalibrated priority database at kabilang sa Regional Top 10 target list.

Aminado naman ang suspek na gumagamit at nagtutulak ng droga ngunit itinangging may mga kakilala pang nagtutulak din ng droga.