LeBron James (from Wiki)

AUBURN HILLS, Michigan – Nasayang ang triple double performance ng reigning MVP na si LeBron James matapos masilat ang Cleveland Cavaliers ng Detroit Pistons, 101-106.

Nagpakitang gilas pa si James sa ilan niyang nakakabilib na dunks pero hindi pa rin ito umubra.

Ang NBA superstar ay nagtala ng 29 points, 13 rebounds and 10 assists.

Nabaliwala rin ang pagsisikap ni Kyrie Irving na nagtapos sa 27 points.

Sinamantala ng Pistons ang kawalan ng ilang players ng defending champions dahil sa injuries.

Tulad na lamang ni Kevin Love at Kyle Korver.

Si Andrew Bogut na may pilay sa paa ay hindi pa rin nakakabalik.

Nagbalik naman sa team si J.R. Smith na mula pa December 20 ay hindi nakalaro.

Ipinasok siya bilang substitute sa first quarter pero meron lamang siya tatlong puntos sa pamamagitan ng 1-of-9 shooting.

Tatlong sunod-sunod na talo na ang nalasap ng Cavs (42-21).

Sa panig naman ng Detroit nanguna sa team si Andre Drummond na may 20 points at 16 rebounds.

Habang si Reggie Jackson ay nagdagdag ng 21 points.

Ang Pistons ay meron ng hawak na 32 wins at 32 talo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here