Muling iginiit ni Sen. Antonio Trillanes ang kaniyang pagiging inosente sa isyu ng ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pulong balitaan sa Senado, ipinakita nito ang mga text message ni Joemel Peter Advincula alyas Bikoy para sa isang pari na dati nitong nilapitan.

Para kay Trillanes dapat habulin si Advincula para sa perjury case dahil sa pabago-bagong testimonya nito.

Giit ng mambabatas, dapat mabigyan ng leksyon si Bikoy dahil baka sa susunod, muli na naman itong bumaliktad sa testimonya at panibagong mga pangalan ang kaladkarin para lamang isalba ang sarili.