Handang humarap si dating Senador Antonio Trillanes IV na imbestigahan ng Senado kasunod ng hiling ni Senador Robin Padilla na imbestigahan ang umano’y utos na ipinagkaloob kay Trillanes upang magsagawa ng welfare check kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakakulong sa International Criminal Court (ICC) detention facility sa The Hague, Netherlands.
Sa pahayag ni Trillanes sa Bombo Radyo, iminungkahi niyang para hindi masayang ang oras ng mga Senador sa gagawing imbestigasyon ay bakit hindi na lamang umano dumerekta sa dating Pangulo kung nakausap niya ba ito noong pumunta siya sa ICC.
Ani pa ni Trillanes may 24/7 access sa telepono si Duterte, kaya’t madaling makipag-ugnayan sa kanyang pamilya kung sakaling may nangyaring ganitong pagbisita.
Narito po pakinggan natin ang mga naging pahayag ni Trillanes sa eksklosibong pagtatanong ng Bombo Radyo.
Itinanggi rin niyang hindi siya naitalaga para magsagawa ng welfare check sa dating pangulo at iginiit ang mga polisiya ng ICC kung saan hindi ka umano makakapasok kung hindi papayag ang isang detainee na makausap ang mga bumibisita rito kahit pa sarili nitong kamag-anak.
Samantala, nilinaw naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang anumang welfare check ay bahagi ng kanilang tungkulin batay sa Vienna Convention on Consular Relations at mga umiiral na batas ng Pilipinas na naglalayong protektahan ang kapakanan ng mga Filipino sa ibang bansa.