ILOILO CITY – Desidido ang isang lesbian na sampahan ng kaso ang isang tricycle driver na dumakma sa kanyang dibdib sa Jaro, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay alyas Dane, 18-anyos, sinabi nito na kasama niya ang kanyang girlfriend na nag-aabang ng masasakyan pauwi.

Ayon kay Dane, inalok sila ng tricycle driver na si alyas Jake na ihatid ngunit tumanggi ito.

Umalis naman tricycle ngunit laking gulat ng lesbian na bumalik ang driver at biglang dinakma ang kanyang dibdib sa harap mismo ng kanyang nobya.

Mabilis namang humarurot ang tricycle at sinubukan pang habulin ng biktima ngunit hindi na niya ito naabutan pa.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong act of lasciviousness laban sa tricycle driver.