Umaapela si Tourism Congress of the Philippines President Jose Clemente III sa pamahalaan na bawiin na ang travel ban sa Taiwan dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19)

Sa halip na Taiwan, iginiit ni Clemente na dapat Singapore ang isama sa listahan ng mga bansa kung saan ipinagbabawal muna ang pagbiyah mula sa Pilipinas.

-- Advertisement --

Iginiit ni Clemente na mas marami ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa Singapore kumpara sa Taiwan.

Base sa huling tala, 18 lamang ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Taiwan, habang 40 kaso naman ang sa Singapore.

Dahil dito, sinabi ni Marikina Rep. Bayani Fernando na napapanahon nang pag-isipan kung tama ang naging desisyon ng pamahalaan na magpatupad ng travel ban sa Taiwan sa halip na Singapore.