-- Advertisements --
weather network
The Weather Network shows the path Typhoon Hagabis

ILOILO CITY – Kanselado na ang mga domestic transport services sa Japan dahil sa pagtama ng typhoon Hagibis ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo international correspondent Josel Palma direkta sa Japan, sinabi nito na ipinatigil muna ang mga railway services at domestic flights simula ngayong araw dahil na rin sa epekto ng nasabing bagyo na may local name na Typhoon 19.

josel palma
Josel Palma

Ayon kay Palma, nag-abiso na rin ang Department of Foreign Affairs at ang gobyerno ng Japan lalo na sa mga naninirahan malapit sa baybayin at sa mga bulubunduking bahagi na mag-evacuate sa posibleng epekto ng storm surge at landslide.

Inihayag ni Palma na ilang araw bago ang inaasahang pag-landfall ng bagyo ngayong araw, nagkaroon na ng panic-buying sa Japan.

Maliban sa mga pagkain at emergency kit, nag-imbak na rin ng tubig ang mga residente bilang paghahanda sa posibleng power outage.