Pinaghahandaan ng organizers ng traditional na parada ng Itim na Nazareno sa taunang Traslacion.
Sinabi ni Quiapo Church Parochial Vicar Father Jesus Madrid Jr na plano nilang lagyan ng glass case ang mahigit na 400-taon na imahe ng itim na Nazareno.
Sa darating kasi na Enero 9 ay siyang pagbabalik ng nasabing tradisyon matapos na ipagpaliban ang parada ng mahigit tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Nais nilang protektahan ang imahe ng Itim na Nazareno kaya lalagyan nila ng glass case subalit ang ilalabas lamang nila ng bahagya ang krus na siyang maaari lamang na hawakan ng mga deboto.
Layon din ng nasabing paglalagay ng glass case ay para maiwasan ang anumang aksidente sa mga deboto na pilit na umaakyat.
Bago ang prosesyon ng Itim na Nazareno ay ibabalik na rin ang “Paghalik” sa Quirino Grandstand mula Enero 6 hanggang Enero 9 matapos ang misa ng ala-6 ng gabi.