-- Advertisements --

LA UNION – Patuloy pa rin ang trabaho ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa bansang Qatar.

Ito ang sinabi sa Bombo Radyo La Union ni news correspondent Christine Lianne Suratos, isang cashier ng Barangay Sto. Domingo Sur, sa bayan ng Luna, La Union at isang cashier sa panayam sa kanya.

Ayon kay Christine, bagamat tuloy ang trabaho nila ay may ilan ding OFW’s doon ang walang trabaho.

Sinabi nito na sobrang higpit sa mga panuntunan ang gobyerno ng Qatar kung saan ang mga lalabag ay huhulihin, pagmumultahin o ‘di kaya ay ipapa-deport.

Bagamat pinapayagan sila na lumabas ngunit kailangan bumalik sa itinakdang oras, kailangan nakasuot ng facemask at sinusunod ang social distancing.

Dagdag pa nito na kahit wala pa silang natatanggap na tulong ay nagpapasalamat na rin sila na may libre silang kinakain.

Kaugnay nito, may ibinigay naman na tulong ang ministry ng Qatar sa mga piling manggagawa sa loob ng tatlong buwan.