-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Agriculture na walang aasahang pagtaas sa presyo ng mga agri products ngayong holiday season partikular na ngayong Pasko at Bagong Taon.

Batay sa isinagawang pagmamanman at pag-iikot ng mga opisyal mula sa DA sa Balintawak Cloverleaf Market, naisaad na mas mababa ang kasalukuyang presyo ng iba’t ibang uri ng karne, sariwang isda, manok, at mga gulay kumpara sa inaasahan.

Bilang halimbawa, ang presyo ng manok ay nananatili sa ₱140 kada kilo.

Ang baboy kasim ay matatagpuan sa halagang ₱260 kada kilo, habang ang baboy liempo ay nagkakahalaga ng ₱340 kada kilo.

Pagdating naman sa mga isda, ang bangus ay mabibili sa ₱190 kada kilo.

Ang presyo ng pulang sibuyas ay nasa pagitan ng ₱120 hanggang ₱130 kada kilo.

Sa kategorya ng mga gulay, ang repolyo ay nagkakahalaga ng ₱80 kada kilo.

Ang patatas ay matatagpuan sa halagang ₱130 kada kilo, habang ang Baguio beans ay nasa ₱150 kada kilo. Ang presyo ng carrots ay ₱120 kada kilo, ang labanos ay ₱100 kada kilo, at ang kamatis ay ₱160 kada kilo.

Ayon sa mga pahayag ng mga nagtitinda sa Balintawak Cloverleaf Market, wala silang planong magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto hanggang sa pagpasok ng Bagong Taon.