-- Advertisements --

Inaasahan ng isang auciton house na maibebenta ng ilang milyon ang baseball jersey ng Japanese star na si Shohei Ohtani.

Ang Los Angeles Angels ay isa sa mga final jerseys na kaniyang isinuot sa nasabing koponan.

Sinabi ng Heritage Auctions na bubuksan ang bidding sa darating na Pebrero 6.

Ang nasabing jersey ay isinuot noong Agosto 3, 2023 kung saan tinamaan ni Ohtani ang kaniyang ika-40th home run laban sa Seattle Mariners.

Makasaysayan ang nasabing jersey dahil dito itinanghal ang Japanese baseball player bilang Most Valuable Player (MVP) awards.

Bagamat sa nasabing tagumpay ay hindi ito nagwagi ng World Series hanggang pumirma ito ng $700-milyon sa Dodgers noong Disyembre 2023.

Mula doon ay nakamit ng Dodgers ang back-to-back World Series noong 2024 at 2025.