-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Muntik nang mahulog sa Cagayan de Oro River ang isang tomboy matapos maisalba ng Cagayan de Oro Rescue team nang itoy nagpatiwakal sa JR BORJA Brigade.

Naging emosyonal ang 18 anyos na biktima na nakilalang si Jessa Waga matapos idinaing nitong tuluyan na siyang iniwan ng kanyang 25 anyos na girlfriend.

Sa panayam ng Bomb Radyo kay Jessa, inamin nitong gusto na niyang magpakamatay dahil wala nang saysay ang kanyang buhay kung wala sa kanyang piling ang kanyang GF.

Subalit ng ipinagtagbo ng news team ang dalawa ay biglang nagbago ang kanyang desisyon at sinabing gusto na niyang magmove on.

Una rito, isinumbong ng kanyang GF na si Czarina Canojan na matagal na itong nakipaghiwalay dahil isang battered GF siya at napakaseloso ng kanyang BF na tomboy.