-- Advertisements --

Pormal nang nagpahayag ng kanilang pagkatalo sina Sen. Francis Tolentino at Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. matapos na malalaglag sa magic 12 sa katatapos lamang na midterm elections.

Sa kanilang mga naging pahayag, nagpasalamat ang nga senador sa kanilang mga tagasuporta at nanawagan ng pagpapanatili ng pagkakaisa sa kabila ng kanilang pagkatalo.

Ani Tolentino, nahirapan umano siyang ipaliwanag ang mga isyu na kinakaharap ng bansa lalo na patungkol sa katubigan at soberanya ng West Philippine Sea (WPS) kahit na siya na lamang aniya ang nagiisang nagpapaliwanag ng importansya nito sa mga mamamayang pilipino.

Kasunod nito ay nanawagan siya sa sususnod na kongreso na ipagpatuloy ang laban ng Pilipinas at ang kanilang mga naumpisahan nang efforts para mapanatili ang soberanya ng bansa lalo na laban sa mga makakapangyarihang bansa tulad ng China.

Sa kabilanga banda naman, isang prebilehiyo namang maituturing para kay Revilla ang magkaroon ng pagkakataong makapaglingkod sa bansa.

Aniya, ngayong tapos na ang panahong ito ay makita sana ng mga pilipinong magkaisang muli sa ilalim ng iisang bandila.

Matatandaan naman na tumakbo sa ilalim ng Bagong Alyansa ng kasalukuyang administrasyon ang mga senador at kasalukuyang nasa mga pwesto na 25 si Tolentino habang nasa 14 naman si Revilla.