Namataan ng Philippine Navy (PH NAVY) ang isang warship na siyang pagmamayari ng People’s Republic of China malapit sa Panata Island sa West Philippine Sea (WPS) umaga ng Hunyo 6.
Batay sa mga ulat, namataan nila ang Ma’anshan Jiangkai II-class frigate ng People’s Liberation Army na mayroong bow no. 525 sa karagatan ng WPS habang nagsasagwa ng pagpapatrolya ang PH Navy sa bahaging ito ng WPS.
Tinatayang nasa layo ng 4.6 nautical miles ang layo nito mula sa BRP Andres Bonifacio na siyang gamit ng PH Navy para sa pagkakasa ng kanilang maritime patrols.
Samantala ayon naman kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office (PAO) Chief Col. Xerxes Trinidad, umabot sa tatalong beses ang ibinigaya na warning signal sa naturanag warship sa pmamagitan ng isang radio challenge kung saan nagpapakita aniya ito ng matibay na paninidigan ng kanilang hanay na protektahan ang soberaniya at ang exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Sa kasalukuyan, patuloy na minamatyagan ng AFP ang mga naturang warship habang patuloy na nagsasagawa ng maritime patrols sa Kalayaan Group of Islands.