Nakaranas ng mga panibagong pangha-harass ang mga barko at tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong umaga sa Pag-asa Island na siyang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Sa isang pahayag na ibinihagi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, inihayag nito na nagkaroon ng ‘minor structural damage’ ang nagging komprontasyon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa barko ng PCG na BRP Datu Pagbuaya.
Bagama’t nakatanggap ng minor damages ang barko ay tiniyak naman ni Tarriela na walang naitalang mga nasaktan sa pangyayari.
Kwento ni Tarriela, ang BRP Datu Pagbuaya at ang dalawang iba pang BFAR vessels ay nasa bahagi ng Pag-asa Island higit 500 kilometro mula sa Palawan bilang proteksyon at cover ng mga local na mangingisda na naghahanapbuhay sa West Philippine Sea nang magsagawa ng mga agresibong aksyon ang CCG at maging ang Chinese Maritime Militia vessels sa bahaging ito ng WPS.
Sa kabila nito ay nanindigan si Tarriela na hindi ito nagging dahilan para matakot at magp[adala sa mga taktikang ito ng Tsina ang kanilang mgav tauhan sa WPS.
Tiniyak ni Tarriela na ang insidente ay nagpatibay lamang ng kanilang lakas ng loob at mas malakas na commitment para tumupad sa kanilang mkandato na protekatahan ang teritoryo at soberaniya ng bansa.
Samantala, nangako naman nang PCG at ang BFAR na hindi sila magpapatinag sa mga harassment na ito ng China at patuloy na magsisislbing proteksyon ng mga mangingisda sa bahaging ito ng WPS.