Iginiit nina Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong at Deputy Speaker Paolo Ortega V na ang anumang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay dapat nakabatay sa malinaw na ebidensya at pumasa sa mahigpit na pamantayan ng Konstitusyon.
Binigyang-diin ng mga mambabatas na ang impeachment ay isang seryosong prosesong konstitusyonal at hindi dapat gamitin bilang sandatang pampulitika o ibatay sa haka-haka, tsismis, o simpleng pahayag sa media.
Siniguro naman ni Adiong na mananatiling nakatuon ang Kamara sa tungkulin nitong pambatas at oversight, habang pinangangalagaan ang due process at integridad ng proseso.
Tiniyak ni Ortega na igagalang ng Kamara ang due process at susuriin ang anumang reklamo batay lamang sa Konstitusyon at ebidensya.
















