-- Advertisements --

Nanawagan si Senator Imee Marcos ng imbestigasyon sa Senado matapos ang trahedya sa Binaliw Sanitary Landfill sa Cebu City, na ikinasawi ng hindi bababa sa 11 katao.

Sa kanyang inihain na Senate Resolution No. 244, layon ng senadora na alamin kung sumusunod ang landfill sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at iba pang batas sa operasyon at kaligtasan ng mga sanitary landfill.

Aabot din sa imbestigasyon ang posibleng mismanagement, overfilling, regulatory lapses, at koneksyon ng pagbagsak sa 6.9-magnitude na lindol noong Setyembre 2025.

Giit ni Marcos na hindi dapat ito nangyari at idinagdag niya na patuloy na nangyayari ang mga ganitong trahedya dahil sa hindi pagtugon sa panganib. (report by Bombo Jai)