Isinasailalim na sa imbestigasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga naipaulat na umano’y mga namataang ‘underwater structures’ sa Bajo e Masinloc na siyang sakop pa ng West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang mga istruktra na ito ay posibleng mga naiwanang mga debris sa mga dating mga istrukturang binuo ng China a naturang teritorrial waters.
Batay kasi sa naging maritime domain awareness flight monitoring ng Northern Luzon Naval Command, muling namataan ang mga iba’t ibang istruktura sa bahaging ito ng WPS.
Pagtitiyak naman ni Trinidad, kasalukuyan nang nagkakaroon ng malalim na ugnayan ang Philippine Navy sa Philippine Coast Guard (PCG) at sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa mga aksyon na kanilang gagawin kontra sa mga gingawang pangangamkam ng China sa Bajo de Masinloc.
Samantala, nanindigan naman ang Sandatahang Lakas na patuloy silang nakamonitor at mayroon ding nakalatag na presensiya ng naval assets ng Pilipinas sa WPS bilang bhagi ng knilang mandato na proteksyunan at ingatan ang pambansang seguridad at soberaniya ng bansa.