Nag-alok ng refund ang organizers ng Tokyo Olympics sa mga nakabili na ng tickets sa Japan.

Ito ay dahil sa nililimitahan na lamang ang mga manonood sa bawat events dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

Ayon sa Tokyo organizing committee na maaaring mag-refund ang mga taga-Japan na nakabili ng tickets mula Nobyembre 10-30 at Disyembre 1-21 para sa mga nakabili ng Paralympics.

Ang mga nakabili naman ng tickets mula sa ibang bansa ay dapat hilingin nila sa mga pinagbilihan nila ng tickets.

Umaabot na kasi sa mahigit 4.8 milyon na tickets ang naibenta at halos isang milyon sa Paralympics.