-- Advertisements --
Napilitang mag-emergency landing ang isang pampasaherong eroplano matapos na piliting buksan ng isang pasahero ang pintuan nito.
Galing sa Tokyo, Japan ang All Nippon Airways (ANA) Flight 114 na patungo sa Texas at dahil sa insidente ay napilitan silang mag-divert sa Seattle.
Agad na pinababa ng mga kapulisan ng Seattle ang nasabing hindi na pinangalanang suspek.
Lumabas din sa imbestigasyon ng mga otoridad na dumaranas ng “medical crisis” ang suspek kaya dinala na nila ito sa pagamutan.