-- Advertisements --

Kabilang ang Pinay girl group na BINI sa Summer Sonic 2026 sa Osaka at Tokyo , Japan.

Ayon sa grupo na magtatanghal sila sa Day 1 ng Osaka lega sa Agosto 14 na gaganapin sa Expo ‘70 Commemorative Park.

Susunod dito ay sa Day 3 ng Tokyo leg sa darating na Agosto 16 sa ZozoMarine Stadium & Makuhari Messe.

Makakasama nila ang P-pop group SB19 na magtatanghal naman sa Day 2 ng Tokyo Leg.

Ito ang isa nilang paghahanda bago ang pagsisimula ng kanilang “Signals” world tour na magsisimula sa Hunyo 20 sa MOA Arena.

Ang grupo ay binubuo nina Jhoanna, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, at Sheena na pinasikat nila ang mga kanta gaya ng “Pantropiko”, “Salamin” at maraming iba pa.