-- Advertisements --
Isinugod sa pagamutan si Emperor Emeritus Akihito.
Ayon sa ulat isinugod sa University of Tokyo Hospital ang 91-anyos na emperor para sa pagsusuri sa puso ukol sa posibilidad ng myocardial ischemia.
Ito ang unang pagkakataon na siya ay naospital mula noong Pebrero 2012, nang sumailalim ito sa coronary artery bypass surgery.
Dumating siya sa ospital bandang alas-3:00 ng hapon, kasama ang kaniyang asawa, si Empress Emerita Michiko, 90.
Noong kalagitnaan ng Abril, sa isang routine test, nakitaan ito ng sintomas ng myocardial ischemia, at matapos ang muling pagsusuri, kinumpirma ang mataas na posibilidad ng kondisyon nito.
Noong Hulyo 2022, siya ay na-diagnose na may right heart failure at mula noon ay patuloy siyang ginagamot.