-- Advertisements --

Inanunsiyo ng sikat na Japanese boy band na Arashi na sila ay maghihiwalay na.

Sa kanilang social media account, inihayag ng five-member group na tatapusin lamang nila ang kanilang concert tour sa 2026 bago tuluyang maghiwalay.

Mula pa kasi noong 2020 ay hindi na sila naging aktibo kung saan minabuti nilang manahimik na lamang muna.

Ang grupo na binubuo nina Satoshi Ohno, Sho Sakurai, Masaki Aiba, Kazunari Ninomiya at Jun Matsumoto ay mahigit na isang taon na nagpupulong para sa plano nilang pagbabalik.

Dahil sa nagkaroon na ng magkakaibang mga prioridad sa buhay ay nagpasya na silang maghiwalay.

Taong 1999 ng magsimula ang grupo kung saan ilan sa mga sikat na kanta nila ay ang “Love So Sweet”, “Happiness” at maraming iba pa.