-- Advertisements --

Nakatakdang bumalik sa boxing ring si Pinoy boxing legend Donnie “Ahas” Nietes.

Sa darating kasi ng Mayo 20 ay makakaharap nito ang mas batang boksingero na si Jun Ikegawa na gaganapin sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Huling laban ng 42-anyos na si Nietes ay noong Abril 10 laban kay Miller Alapormina at ito ay nagwagi ng unanimous decision.

Taong 2022 pa ng lumaban sa Japan si Nietes kung saan nabigo ito muli sa rematch ni Kazuto Ioka at nakuha ang WBO World super flyweight belt.

Mayroon ng 44 panalo, dalawang talo at anim na draws na may 23 knockouts si Nietes habang ang 27-anyos na Japanese boxer ay mayroong pitong panalo, isang talo, dalawang draws at dalawang knockouts.

Nagwagi si Ikegawa sa pamamagitan ng split decision sa Pinoy boxer na si Carlo Demecillo noong 2023 na ginanap dito sa Pilipinas.