Nagpasya ang namamahala ng DisneyLand at DisneySea sa Tokyo, Japan na pansamantala muna sila magsara hanggang Marso 15.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nadadapuan ng coronavirus sa bansa.

Ang nasabing desisyon ay base na rin sa kahilingan ng gobyerno ng Japan na kanselahin o ipagpaliban ang mga malalaking kaganapan para maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga nadadapuan ng virus.

Tiniyak naman ng park operator na Oriental Land na kanilang ibabalik ang mga bayad ng mga nakabili na ng mga reservation tickets.