-- Advertisements --
Ikinagalak ni Senator Vicente “Tito” Sotto III ang naging pahayag ni Senator Risa Hontiveros na bukas ito ng sumali sa tinaguirang ‘veterans bloc’ ng Senado.
Sinabi ng dating Senate President na mas maraming mga miyembro ay mas maganda.
Hanga rin si Sotto sa reputasyon ng senadora kaya kaniya itong tatanggapin kugn magdesisyon na sumama sa kanilang grupo.
Ang veterans block ay binubuo nina Senator Juan Miguel Zubiri, Loren Legarda, Panfilo Lacson at Lito Lapid.
Ang nasabing grupo ay siyang nagsusulong na maupo si Sotto bilang Senate President.
Ayon naman kay Hontiveros na malalaman lamang ang kaniyang desisyon pagdating ng Hulyo 28 ang pagbubukas ng 20th Congress.