-- Advertisements --
Tinapos na ng TNT Tropang Giga ang tuloy-tuloy na panalo ng NorthPort 102-92 sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup.
Ito na ang tatlong sunod na panalo ng TNT na mayroong siyam na panalo at isang talo sa laro na ginanap sa DHVSI Gym sa Bacolor, Pampanga.
Mula sa unang quarter ay hawak ng TNT ang kalamanga hanggang napalayo ito ng hanggang 10 points pagpasok ng third quarter.
Bumida sa panalo ng TNT si Mikey Williams na nagtala ng 29 points habang mayroong 22 point sa limang rebounds si Kib Montalbo.
Nasayang naman ang ginawang 20 points ni Paola Taha para magkaroon ng apat na panalo at apat na talo ang Batang Pier.