Inanunsiyo ni Tropang 5G defensive player Christopher ‘Ping’ Exciminiano, ang kaniyang pagreretiro sa paglalaro.
Kinumpirma ni Danny Espiritu ang manager ng 36-anyos na veteran guard ang pagreretiro nito.
Siya na ang pangalawang manlalaro ng TNT na magreretiro sa loob ng isang linggo kasunod ni Ryan Reyes na naglaro ng 17 taon sa PBA.
Si Exciminiano ay naglaro ng 12 season kung saan galing ito sa Far Eastern University.
Siya ang naging second-round pick ng Alaska noong 2013 draft at number 18 overall kung saan naglaro ito ng anim na taon.
Bagamat hindi sila nagkampeon ay bahagi rin ito ng makapasok ang Alaska sa finals ng limang beses mula 2015 hanggang 2019.
Matapos nito ay nai-trade siya sa Rain or Shine kapalit ni Maverick Ahanmisi.
Tinamaan ito ng ACL injury at noong ito ay gumaling ay lumipat siya sa TNT.
Mayroon itong average na 3.3 points at 15 rebounds sa loob ng 282 laro.