-- Advertisements --
Pinigilan ng TNT Tropang Giga ang pagpasok ng Phoenix Super LPG sa finals ng PBA Philippine Cup matapos na talunin nila ito 102-101.
Bumida sa panalo ng TNT si Bobby Ray Parks na nagtala ng 36 points habang mayroong 21 points si Jayson Castro, 18 points naman ang nagawa ni RR Pogoy at 14 points naman si Simon Enciso.
Hawak ng Phoenix ang kalamangan sa last quarter 81-75 hanggang tuluyang umarangkada si Parks at naitala ang 98-92 na kalamangan ng TNT sa natitirang 1:09.
Dahil sa panalo ay nadala ng TNT sa game 5 ang semifinals nila Super LPG.