-- Advertisements --

Nasungkit ni Alexander Zverev ang kanyang ikalawang Grand Slam singles title matapos talunin si Ben Shelton, sa score na 6-3, 7-6 (7-2), 5-7, 6-2, sa US Open final.

Matapos ang kanyang unang major title sa French Open ngayong taon, muling nagkampeon ang 29-anyos na German at lalo pang pinatatag ang kanyang pangalan sa world tennis.

Mabilis na nakontrol ni Zverev ang unang dalawang set matapos niyang maagaw agad ang serve ni Shelton sa unang laro. Nahirapan ang Amerikanong makasabay sa agresibong laro ng German.

Sa ikatlong set, nagbago ang takbo ng laban nang magsimulang magbigay ng matinding pressure si Shelton sa serve ni Zverev. Nakuha niya ang break at naipanalo ang set upang buhayin ang pag-asa ng mga home fans sa Arthur Ashe Stadium.

Gayunman, agad na bumawi si Zverev sa ikaapat na set matapos magkaroon ng mahinang service game si Shelton. Mula roon, muling nakontrol ng German ang laban hanggang sa tuluyang makuha ang kampeonato.

Samantala umaasa naman si Shelton na siya ang magiging unang Amerikanong lalaki mula kay Andy Roddick noong 2003 na mananalo ng Grand Slam singles title. Nabigo man,ipinakita niya ang kanyang potensyal matapos umabot sa unang major final ng kanyang karera.