-- Advertisements --

Matapos ang dominanteng panalo ni Pinay tennis star Alex Eala kontra kay Mary Stoiana sa Round 1 ng US Open, 6-1, 6-2, susunod na haharapin ng Filipina tennis star ang Ukrainian na si  Oleksandra Oliynykova sa Round of 2.

Mabilis na tinapos ni Eala ang kanyang unang laban matapos kontrolin ang dalawang sets laban kay Stoiana. Sa iskor na 6-1, 6-2, ipinakita ng 20-anyos na Filipina ang kanyang agresibong laro at composure upang makuha ang puwesto sa ikalawang round ng prestihiyosong torneo.

Mas magiging kapanabik-nabik ang susunod niyang laban dahil isa itong rematch nila ni Oliynykova, huling nagharap sina Eala at Oliynykova sa Strasbourg, kung saan nanaig ang Ukrainian sa isang mahigpit na three-set battle, 3-6, 7-5, 6-3.

Gaganapin ang kanilang Round of 64 match sa  Louis Armstrong Statidium sa New York City sa Setyembre 3, 2026, alas-11 ng gabi, oras sa Pilipinas.