-- Advertisements --

Patuloy ang magandang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa 2026 US Open matapos makuha ang ikalawang sunod na panalo at umusad sa Round of 32 ng torneyo.

Matapos talunin si Mary Stoiana sa unang round sa straight sets, 6-1, 6-2, muling ipinakita ni Eala ang kanyang husay nang pabagsakin naman si Ukrainian Oleksandra Oliynykova, 6-1, 6-4, sa second round.

Dahil sa panalo, patuloy ang pag-abante ni Eala sa prestihiyosong Grand Slam tournament at isang panibagong matinding laban ang kanyang haharapin sa susunod na round.

Makakaharap ni Eala sa round of 32 ang kanyang kaibigan na si Iva Jovic, na kasalukuyang world No. 14.

Gaganapin ang laban sa Arthur Ashe Stadium, ang pinakamalaking tennis stadium sabuong mundo na may kapasidad na humigit-kumulang 23,000 manonood.

Nakatakdang magharap sina Eala at Jovic sa Setyembre 5, alas-7 ng gabi oras sa New York, o Setyembre 6, alas-7 ng umaga oras sa Pilipinas.

Bitbit ni Eala ang momentum mula sa kanyang dalawang sunod na panalo habang target niyang ipagpatuloy ang makasaysayang kampanya para sa Pilipinas sa US Open.