Reading Time: 1 minute
TNT KATROPA
Tnt Ka Tropa

Napanatili ng TNT KaTropa ang walang katalo-talo sa PBA Governors’ Cup ng talunin ang NorthPort 103-100.

Naipasok ni Troy Rosario ang mahalagang three-points para makuha ang kalamangan 101-100 sa natitirang 1:06 ng last quarter.

Nanguna sa panalo ng TNT si KJ McDaniels na nagtala ng 38 points at 18 rebounds.

Mayroon ng limang panalo at walang talo ang TNT habang mayroong isang panalo at apat na talo ang NorthPort.

Aminado si TNT coach Bong Ravena na talagang nahirapan sila sa paghaharap nila sa NorthPort.

Hawak pa ng Batang Pier ang kalamangan 84-77 subalit kanila itong napabayaan.

Nanghinayang naman si Garvo Lanete sa nagawa nitong 23 points para sa NorthPort.