TNT tropang GIGA
-- Advertisements --

Nakuha ng TNT Tropang Giga ang unang panalo sa 2021 PBA Philippine Cup Finals matapos tambakan ang Magnolia, 88-70.

Sa simula pa lamang ng laro ay hawak ng TNT ang kalamang na ginanap sa Bacolor, Pampanga.

Bumida sa panalo ng TNT si Mikey Williams matapos magtala ng 21 points, 10 rebounds, limang assists at dalawang steals habang mayroon 14 points, pitong rebounds at tatlong blocks si Poy Erram.

Sinabi ni TNT coach Chot Reyes na nakatuon ang kanilang atensiyon sa mga main players ng karibal na team para matapatan ang lakas ng Magnolia.