-- Advertisements --
Kumamada ng kabuuang 41 points si dating NBA player Terrence Jones para madala sa panalo ang TNT laban sa NLEX 102-87 sa kanilang laban sa PBA Commissioner’s Cup.
Mabagal ang pagsisimula ni Jones sa unang quarter subalit pagpasok ng second quarter ay doon na umarangkada na nagtala ng 19 points.
Umabot pa sa 25 points ang naging kalamangan ng KaTropa subalit nahabol ito ng bahagya ng NLEX.
Nagtala naman ng 11 points si Anthony Semerad habang mayroong 10 points at 9 rebounds si Kelly Williams.