-- Advertisements --

Nakatakdang makipagkita si Vice President Sara Duterte sa mga pulitiko at indibidwal na sumusuporta sa mga nakakulong na politicians sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas.

Kinumpirma ito ng bise presidente sa isang panayam sa The Hague, Netherlands.

Subalit hindi tinukoy ni VP Sara kung sino ang mga kakausapin niyang pulitiko at indibidwal kabilang na ang sinusuportahan nilang pulitiko na nakakulong.

Hindi rin idinetalye kung saan sesentro ang kanilang pag-uusapan.

Subalit, ayon kay VP Sara, muli niyang dadalawin at kakausapin si Sen. Marcoleta pagbalik niya ng bansa.

Matatandaang agad na binisita ng bise presidente ang senador matapos sumuko sa Sandiganbayan kasunod ng inisyung warrant of arrest para sa kasong plunder.

Kasalukuyang nasa overseas trip si VP Sara hanggang sa katapusan ng Hulyo. Nauna naman nang kinumpirma ni VP Sara na magkakasa ng pro-Duterte rally sa harap ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands ngayong Miyerkules, Hulyo 29 bilang protesta laban sa paglilitis sa nakadetineng ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.