Mahigit 5.2 million na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo.

Ang 2,757,817 (98%) sa kanila ay nasa mild condition at 44,583 (2%) naman ang mayroong serious o critical condition.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa dami ng COVID-19 cases (1,645,094).

Pangalawa ang Brazil na may 330,890, pangatlo ang Russia na may 326,448, pang-apat ang Spain na may 281,904 at panglima ang United Kingdom na mayroong 254,195.

Ang bilang naman ng mga nasawi ay pumalo na sa 339,425, habang ang mga naka-recover ay 2,156,382.