-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mahalaga ang papel ng thrift banks sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Ayon sa datos noong Hunyo 2025, patuloy ang paglago ng thrift banking industry, kung saan tumaas ang total assets, loans, deposits, at capital.

Umabot sa P908.1 bilyon ang net loans, patunay ng aktibong pagpapautang ng sektor.

Nanatiling mas mataas sa regulatory threshold ang minimum liquidity ratio, na nagpapakita ng matatag na kakayahan ng mga kasapi ng Chamber of Thrift Banks (CTB) sa pagtugon sa obligasyon.

Ayon kay Deputy Governor Lyn Javier, ang digitalization ay hindi lamang tungkol sa online platforms kundi pati na rin sa automation ng mga internal na proseso.

Nagbabala siya laban sa labis na paggastos sa teknolohiya kung hindi ito makapagbibigay ng sapat na benepisyo sa bangko.

Dapat aniya ay nakaayon ang investment sa pangangailangan ng bangko at sa pagpapabuti ng serbisyo sa mga kliyente.

Dagdag pa niya, ang layunin ng digital transformation ay mapahusay ang efficiency, risk management, at customer service upang makasabay ang mga thrift bank sa kompetisyon.