-- Advertisements --

Isasagawa ngayong araw ang thanksgiving procession ng Itim na Nazareon sa Maynila.

Ayon kay Quiapo Church technical adviser Alex Irasga, na magsisimula ito ng hapon ng Martes, Disyembre 30 hanggang gabi.

Paglilinaw nito na hindi ito kinabibilangan ng tradisyonal na pagdadala ng imahe ng Itim na Nazareno o paggamit ng andas.

Ilalagay lamang ang imahe sa truck at ito mabagal na kikilos na papaligiran ng mga hijos kasama na dito ang mga kasapi ng kapulisan.

Bukod sa prosesyon ay magkakaroon ng pagbe-blessing ng mga replicas ng Black Nazarene sa Quiapo sa darating n Enero 3 na magsismula ng 1:30 ng hapon.

Hinikayat nito ang mga mananampalataya na ipa-bless na ang kanilang imahe ng Itim na Nazereno sa Sabado para hindi na makaabala sa aktibidad sa araw mismo ng Black Nazarene sa Enero 7.