Naniniwala si dating Independent Commission for Infrastructure (ICI) Special Adviser at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na wala nang may gustong maging komisyuner ng naturang komisyon.
Ito ay matapos ang sunod-sunod na pagbibitiw ng mga komisyuner nito tulad nina Comm. Rogelio Singson at Comm. Rosana Fajardo.
Ayon sa alkalde, kung walang quorum sa naturang komisyon, hindi na ito makakatuloy sa mga trabaho at mandato, salig sa itinatakda ng exeecutive order na bumuo rito.
Kinalaunan aniya, kung wala nang mapipili pang ibang commissioner, posibleng i-terminate na rin ang naturang komisyon, o tuluyan na rin itong buwagin.
Naniniwala rin ang alkalde na bagaman posibleng mayroong intention ang appointing authority (pangulo ng Pilipinas) na magtalaga pa ng komisyuner, maaaring wala na rin aniyang magvo-volunteer.
Kung babalikan noong Septermber 26, 2025, nagbitiw si Magalong sa ICI, ilang araw lamang matapos siyang italaga bilang Special Adviser.
Ilang buwan matapos siyang magbitiw sa pwesto, tuluyan na ring namaalam si dating Department of Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson.
Nitong nakalipas na lingo, naghain na rin ng kaniyang resignation si Comm. Fajardo, epektibo pagsapit ng December 31.
















