Inaasahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makapagsanay ng tinatayang 600,000 hanggang 650,000 na mga Pilipino ngayong taon.
Ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng kanilang budget na umaabot sa ₱19 bilyong piso.
Ayon kay TESDA Secretary Francisco Benitez, ang pondong ito ay ang pinakamalaking budget na naitala sa kasaysayan ng ahensya mula nang ito ay itatag.
Kabilang sa kanilang mga programa ay ang near-hire training, upskilling programs, at mga pagsasanay na nakatuon sa digital skills.
Binibigyang-diin ng TESDA ang kahalagahan ng Enterprise-Based Education and Training (EBET) dahil sa napatunayan nitong mataas na antas ng employability rate, na tinatayang nasa pagitan ng 85% hanggang 95%.
Sa pamamagitan ng EBET, mas maraming Pilipino ang nagkakaroon ng pagkakataong makahanap ng trabaho matapos ang kanilang pagsasanay.
Bukod pa rito, aktibong pinalalakas ng ahensya ang kanilang pakikipagtulungan sa iba’t ibang industriya sa pamamagitan ng Enterprise-Based Education and Training (EBET), pagbibigay ng tax incentives, at ang Adopt-a-School Program.
















