Tinalo ni Pinoy boxer Vic “Vicious” Saludar si Suriya Puttaluksa ng Thailand sa pamamagitan ng technical knockout (TKO) sa loob ng ikatlong round.
Naging kalmado si Saludar sa pagsisimula ng laban kung saan nakakatiyempo ito ng suntok sa laban na ginanap sa Jeju Island sa South Korea.
Pagpasok ng ikalawang round ay kontrolado ng dating WBO minimumweight ang laban kung saan pinaulanan niya ng suntok si Puttaluksa na natumba sa unang pagkakataon.
Nakaligtas sa ikalawang round si Puttaluksa kahit na umulan ng suntok mula sa Pinoy boxer.
Hindi na nagsayang ng oras si Saludar sa ikatlong round at doon na diretsong inatake ang Thai boxer at doon na niya itong pinatumba.
Mayroon ng 27 panalo at anim na talo na may 16 knockouts si Saludar habang si Puttaluksa ay mayroong pitong panalo at pitong talo.