Hinimok ni Rep. Brian Raymund Yamsuan ang TESDA na magbigay ng mga kursong nakatuon sa digital skills tulad ng AI, coding, cybersecurity, at robotics upang tugunan ang lumalalang problema sa jobs mismatch sa Pilipinas.
Ayon kay Yamsuan, mahalagang i-update ng TESDA ang kanilang mga programa upang matugunan ang pangangailangan ng modernong labor market.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Development Studies (PIDS), maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa trabahong hindi naaayon sa kanilang kakayahan, habang marami rin ang kulang sa kinakailangang kasanayan.
Ayon kay Yamsuan, naghain siya ng House Bill (HB) 4037 na naglalayong palawakin ang mga programang inaalok ng TESDA upang maisama ang mga kursong nakatuon sa digital skills at mga umuusbong na teknolohiya. Kabilang dito ang mga kurso sa artificial intelligence (AI), software development at coding, game design, cybersecurity, digital marketing, robotics, at 3-D printing.
Sa ilalim ng House Bill 4037 na inihain ni Yamsuan, inaatasan ang TESDA na i-review at i-update ang kanilang mga kurso bawat tatlong taon para matiyak na “future-proof” ang mga manggagawa.
Binanggit din ni Yamsuan ang kasunduan ng TESDA at CHED para bumuo ng kurikulum sa mga industriya na kritikal sa paglago ng ekonomiya tulad ng digital technology, manufacturing, healthcare, at turismo.
“In this digital age, the labor market is constantly evolving. We need to make sure that our labor force can always catch up by mandating TESDA to broaden its accredited course offerings to include programs that would arm our workers with ‘future-ready’ skills,” pahayag ni Yamsuan, na miyemrbo ng House Committee on Labor and Employment.
Ipinunto ni Yamsuan ang kahalagahan ng upskilling ng mga Filipino workers, batay sa ulat ng Philippine Institute of Development Studies (PIDS) noong 2021.
Ayon sa ulat, hindi gaanong epektibo ang kasalukuyang Technical and Vocational Education and Training (TVET) programs sa pagharap sa problema ng underemployment ng mga kabataan.