Isinusulong ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan ang House Bill 5239 o Magna Carta para sa mga Public Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Workers upang mapabuti ang kalagayan at kapakanan ng mga frontliners sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay Yamsuan, ang panukala ay nagbibigay ng karampatang benepisyo tulad ng hazard pay, libreng bakuna at gamot, insurance, medical at psychosocial support, pati na rin ng retirement benefits. Mayroon din itong education assistance para sa mga anak ng DRRM workers na namatay habang ginagampanan ang tungkulin.
Itinatakda rin sa panukala ang mga dagdag na benepisyo gaya ng overtime pay, housing allowance, training, at proteksyon laban sa diskriminasyon at hindi makatarungang paglipat ng trabaho.
Ang mga lalabag sa batas ay maaaring pagmultahin ng hanggang ₱10,000, makulong ng hanggang isang taon, at madiskuwalipika sa pampublikong serbisyo kung opisyal ng gobyerno.
” Napakahalaga ng trabaho ng DRRM workers bilang mga disater response and risk reduction frontliners kaya’t dapat lang na pahalagahan din natin ang kanilang kapakanan. Ang pagkakaloob sa kanila ng mga karampatang benepisyo ay magsisilbing incentive at inspirasyon sa kanila na magpatuloy pa sa kanilang propesyon bilang mga tagapagligtas ng ating mga komunidad mula sa mga kalamidad,” payahag Rep. Raymund Brian Yamsuan.